Sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng taong 2020, nanatiling matatag ang PAFCPIC sa tibay ng inyong pagtitiwala at lakas ng inyong patuloy na pagsuporta! Kaya naman malugod naming ibinabalita na ang interest on Share Capital ay 18% para sa taong 2020 na maaari nang makuha simula sa February 8, 2021 sa alinmang PAFCPIC Satellite Office, patunay na isa tayong Kooperatibang Mabilis, Ligtas at Maaasahan

Ipinapaalala ng PAFCPIC na ang distribusyon ng dividend sa taong ito ay magsisimula sa Lunes, 08 February 2021. Ipapatupad ng PAFCPIC ang pagbibigay ng Interest on Share Capital sa ikalawang lingo ng Pebrero nang naaayon sa alpabetong pagkakasunod-sunod ng unang letrang apelyido. Ito ay alinsunod na mga alituntunang pang-kalusugan at pag-iingat laban sa paglaganap ng COVID-19.

SCHEDULE NG DIVIDEND DISTRIBUTION:

FEBRUARY 08: A-B

FEBRUARY 09: C-E

FEBRUARY 10: F-L

FEBRUARY 11: M-P

FEBRUARY 15: Q-Z

Para sa mga miyembrong hindi makakapunta sa alin mang opisina ng PAFCPIC, ang katumbas na halaga ng inyong interest sa Share Capital ay awtomatikong ipapasok sa inyong mga Regular Savings Deposit Account.

Maraming Salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik, mga Ka-may-ari!

Please wait while the page is loading