Sa pangunguna ni LtGen Oscar P Lopez, Vice President for Operations kasama ang mga kawani ng PAFCPIC Fort Bonifacio, pinasinayaan ang bagong liaison office ng PAFCPIC sa Lipa, Batangas noong ika-19 ng Pebrero 2021. Ang liaison office ay matatagpuan sa 3rd Floor, Five-J Building, Pres. Jose P Laurel Highway, Purok 4, Brgy Sico, Lipa City, Batangas.

"Ang pagbubukas ng PAFCPIC Liaison Office Lipa ay isa sa mga hakbang ng PAFCPIC upang magbigay ng mas mabilis, ligtas at maaasahang serbisyo sa ating mga miyembro. Idagdag pa natin na ang lokasyon ng ating liaison office ay sa tapat ng Training School ng Air Force--isa ito sa mga paraan ng PAFCPIC upang magbigay ng dekalidad na serbisyo sa ating mga kasundaluhan sa hanay ng Air Force," ani Gen Lopez.

Please wait while the page is loading